ChanBLOGS!

You are visitor number:

Free Hit Counter
Hit Counter Since December 17, 2009

Saturday, January 16, 2010

Se Eleksyon, sila ng hindi ko iboboto

Malapit na naman ang Eleksyon at malapit na namang mag-umpisa ang pangangampanya (pero sa ilan, matagal na silang nag-umpisang mangampanya kahit hindi pa sakop ng Campaign Period na itinalaga ng Commission on Elections o COMELEC). Maraming pangako na naman ang bibitiwan. Maraming proyektong uumpisahan para may makukurakot na pangkampanya pero hindi naman tatapusin ang kung anumang proyektong yun. Sa panahon ngayon, mas lumala ang vote buying. Mas kumakapal ang mukha ng mandaraya pero tatakbo pa rin sila, ang kapal talaga. Ngayong malapit na naman ang opisyal na Campaign Period, magkakaroon na naman ng pagkataon ang taong bayan na saksikan ang pagpapakatanga ng ilang kandidato. Kaya, sa darating na eleksyon, sila ang hindi ko iboboto:

- yung (mga) kandidatong sumasayaw o kumakanta sa kanilang pangangampanya o Miting de Avance [dahil hindi naman isang variety show ang kanilang gagawin pag manalo. Hindi po ito reality show na magiging artista ang kandidato pagkatapos ng pangangampanya. Bakit? Sasayawan ba nila kapag may debate sa Session?]

- yung mga kandidatong hanep gumastos para sa Campaign. [bakit? eh kasi may notion akong babawiin din nila yung ginastos nila kapag nasa pwesto na sila.]

- yung mga kandidatong bumibili ng boto sa pamamagitan ng pamimigay ng pera, ni-repack na mga pagkain, bigas at kung anu-ano pa. [Ganun din ang rason, babawiin nila yung ginastos kapag nasa pwesto na sila.]

- yung mga kandidatong ang dami ng sinabing pangako pero hindi man lang nabanggit ni minsan kung ano yung kaya nilang gawin.

- yung mga kandidatong naging parte ng isang pagsisinungaling para lang matakpan ang isang kapartidong nadawit sa isang iskandalo.

- yung mga kandidatong parati kong nakikita sa TV ngayong panahon ng pangangampanya. [hahahah! eh kasi naman, halata na yung intensyon eh!]

- yung mga kandidatong hindi na makatotohanan yung sinasabi sa kampanya.

- mga kandidatong nagpapakita ng pictures o videos na kasama ang mga kapos sa buhay. [bakit? eh bakit ngayon lang ipinakita?]

- yung pakiramdam ko ay sobrang talino at sobrang galing! [dahil pakiramdam ko ay uutakan niya lang ang mga tao para sa pansariling interes]


Marami pa akong naiisip pero ito na muna ang ilalagay ko. Daragdagan ko na lang kapag nahanap ko na yung papel na pinagsulatan ko ng draft ng supposed to be original article para dito.

[Note: ang lahat ng nakasulat ay base lamang sa damdamin ng isang botante. Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magalit. Sa halip, magbago na lang at wag maging TRAPO.]

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

IncraseBux

IncraseBux
Paid-to-Click Site

JPHFbux

JPHFbux
Paid-to-click Site